MGA ARMAS, BALA NAKUMPISKA SA BAHAY NG UTOL NI TEVES
Published Mar 24, 2023 05:49 PM by: NET25 News | 📷: CONTRIBUTED PHOTOS
Ni-raid ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa Brgy. Caranoche sa Sta. Catalina, Negros Oriental. Wala sa bahay ang dating kongresista ng isagawa ang pagsalakay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Executive Judge ng Mandaue City. Nasamsam doon ang matataas na kalibre ng baril at mga bala. Si Pryde Henry Teves ay kapatid ni suspended Rep. Rodolfo Teves Jr. Ang sinalakay na compound ay nagsisilbi ring sugar mill ng HDJ Bayawan Agri-Venture Corporation Tolong Compound. Ang raid ay isinagawa makaraang makatanggap ng impormasyon ang PNP tungkol sa mga itinatagong mga baril sa compound.
Latest News