OIL PRICE ROLLBACK, ASAHAN SA SUNOD NA LINGGO
Published Mar 24, 2023 05:53 PM by: NET25 News
Magkakaroon ulit ng rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo. Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng petrolyo dahil sa pinangangambahang banking crisis matapos bumagsak ang ilang Bangko sa Estados Unidos at Switzerland. Ayon kay Unioil President Leo Bellas na may mahigit P1 ang inaasahang bawas sa presyo kada litro ng diesel at gasolina. Sa pagtaya sa unang apat na araw na oil trading, ang halaga ng imported na petroleum products ay bababa ng P1.45 kada litro sa diesel, P1.38 per liter sa gasolina at P1.99 per liter sa kerosene. Nangangamba si Bellas na magkakaroon ng mababang demand sa petrolyo sa mga susunod na buwan na resulta ng banking crisis at recession jitters. May inaasahan ding rollback sa presyo ng LPG sa April 1.
Latest News