REP. TEVES, NASA LIKOD NG PAGPATAY SA 20-30 KATAO SA NEGROS – MAYOR DEGAMO
Published Mar 24, 2023 05:56 PM by: NET25 News | 📷: MAYOR JANICE VALLEGA DEGAMO FB
Tahasang ibinulgar nitong Biyernes ng biyuda ng pinaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo na sangkot si 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie “ Teves Jr. sa mga pagpatay sa tinatayang 20-30 katao sa kanilang lalawigan. Sa isang television interview, ay matapang na sinabi ni Pamplona Mayor Janice Degamo na ang mastermind ng pagpatay sa kaniyang mister ay walang iba kundi si Teves at kampo nito na sangkot din pumaslang sa 20-30 katao sa lalawigan. Si Mayor Degamo ay lumiham rin kay Speaker Martin Romualdez kamakailan para tuluyan ng patalsikin bilang miyembro ng Kamara si Teves. Una nang pinatawan ng 60 araw o dalawang buwang pagkakasuspinde si Teves matapos namang mag-expire na ang travel authority nito mula Pebrero 28 hanggang Marso 9 kung saan ay absent ang itinala sa attendance ng Kongresista. Samantalang tinabla rin ni Romualdez ang hirit na karagdagang 2 buwang bakasyon ni Teves dahilan umano sa seryosong banta sa kaniyang buhay. Samantalang inakusahan rin niya si Teves na sangkot umano sa land grabbing at pagpatay sa mga kalaban ng mga ito sa pulitika. Ipinagkibit balikat lang naman ng legal counsel ni Teves ang paratang ni Mayor Degamo kasabay nang pagsasabing ang malamang na isangkot din ang kaniyang kliyente sa paglubog ng MT Princess Empress noong Pebrero 28 sa Naujan, Oriental Mindoro na nagdulot ng oil spill at maging sa lindol sa pagitan ng hangganan ng Syria at Turkey na nagdulot ng pagkamatay ng libong katao.
Latest News