TWO-NIGHT CONCERT NI BRUNO MARS SA PHILIPPINE ARENA KASADO NA
Published May 26, 2023 09:30 AM by: MIA VILLA | 📷: LIVE NATION PH
That’s what I like! Masasaksihan na ng mas maraming fans ang concert ni Bruno Mars sa bansa. Hindi nabigo ang Filipino-American singer-songwriter sa kaniyang Filipino fans matapos mapabalita ang 'overwhelming demand' para sa tickets ng kaniyang two-night show sa Philippine Arena. Kaya ipinasya kamakailan na dagdagan ng isa pang araw ang naturang concert na hindi sa kung saan saang venue lang, kundi sa 55,000 capacity Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Gaya ng naging concert ng Korean girl group na Blackpink, kulang ang isang gabi para sa malaking concert na ito kaya posibleng maging sold out rin ang second night. Nakilala ang Fil-Am Grammy award-winning singer sa kaniyang mga hit songs gaya ng Just the Way You Are, Billionaire, When I Was Your Man, That's What I Like at marami pang iba. Talaga namang patok sa mga Pinoy ang musika ni Bruno Mars dahil bata man o matanda, napapa-kanta at napapa-indak sa mga kanta ng international performer. Samantala, patuloy na nagiging tampok ang world-class venue na Philippine Arena para sa mga international acts. Bukod kay Bruno Mars, nakahilera na din na magtanghal ang K-pop groups na Twice at Tomorrow by Together o kilala bilang TXT, at marami pang iba. Inaasahang magiging maingay at masaya ang concert ni Bruno Mars sa Philippine Arena na gaganapin sa June 24 at 25.
Latest News