Logo
FEATURED

LALAKE SA NORTH KOREA, HAHARAP SA FIRING SQUAD DAHIL SA PAGPUSLIT NG SQUID GAME

Published Nov 25, 2021 02:41 PM by: NET25 News

LALAKE SA NORTH KOREA, HAHARAP SA FIRING SQUAD DAHIL SA PAGPUSLIT NG SQUID GAME

Parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ang ipinataw sa isang lalake sa North Korea matapos mag-puslit ng USB flash drives na naglalaman ng kopya ng Netflix series na Squid Game, ayon sa ulat ng Radio Free Asia. Habang-buhay na pagkakabilanggo naman ang hatol sa isang high school student na nakabili ng naturang USB. Limang taong hard labor ang sentensya sa anim pang estudyante na nakapanood ng palabas. Sinibak sa trabaho ang principal at guro ng mga estudyante. Sila man ay nahaharap sa sapilitang paglipat sa minahan o mahihirap na lugar. Ang mga parusang ito ay saklaw ng Elimination of Reactionary Thought and Culture law sa North Korea na nagbabawal sa panonood, pagtatago at pamamahagi ng media content mula sa mga kapitalistang bansa kabilang ang US at South Korea. Naniniwala umano ang North Korean authorities na ang panonood ng foreign material ay nagbubunsod sa mga mamamayan na takasan ang bansa. Sa paglalarawan ng North Korean news site na Arirang Meari, ipinapakita ng Squid Game ang halimbawa ng "brutality" na dinaranas ng mga tao sa kapitalistang South Korea. (Photo: Youngkyu Park / NETFLIX / AFP)

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News