Logo
FEATURED

PUBLIC UTILITY COMPANIES, BAWAL IPASA ANG INCOME TAXES SA CONSUMERS —SC

Published May 26, 2023 08:57 AM by: NET25 News | 📷: PNA

PUBLIC UTILITY COMPANIES, BAWAL IPASA ANG INCOME TAXES SA CONSUMERS —SC

Hindi pinapayagan ng batas na ibagsak ng public utility companies ang obligasyon sa income taxes sa consumers.   Buod ito ng 102 pahinang desisyon ng Supreme Court Court en banc na pinonente ni Senior Associate Justice Marvic Leonen sa usapin na iniakyat sa korte ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc., ang nangungunang water concessionaires sa bansa.   Sa desisyon ng SC, nilinaw nito na ang Maynilad at Manila Water ay mga public utilities na pinagbabawalan na maningil sa consumer ng corporate income taxes bilang operating expenses.   "Considering that Manila Water and Maynilad operate the waterworks and sewerage system, they are public utilities which are expressly prohibited from passing on to consumers their corporate income taxes as operating expenses," ayon sa SC ruling.   Binanggit sa desisyon ang naging ruling ng SC noong 2002 sa kaso ng Republic of the Philippines vs. Meralco, na hindi patas na singilin ang mga consumer ng Meralco na walang kinalaman sa serbisyo o benepisyo ng publiko.   ".... to charge consumers for expenses incurred by a public utility that is not related to the service or benefit of the public is "unjustified and inequitable," nakasaad sa desisyon ng SC.   Ayon pa sa SC, ang water concessionaires ay saklaw ng 12 percent rate of net return limit, alinsunod sa itinakda ng Republic Act (RA) 6234 na nagtatag ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS).   Gayunman, ipinaliwanag ng SC na ang income taxes na ipinasa ng Manila Water at Maynilad sa consumer ay hindi na maaaring mabawi o ma-refund dahil matagal na itong nag-prescribed.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News