LRT-1 NAGLUNSAD NG QR CODE TICKETING SYSTEM
Published May 26, 2023 09:34 AM by: NET25 News|📷 LIGHT RAIL MANILA CORP. FB
Naglunsad ang Light Rail Transit (LRT)-1 operator Light Rail Manila Corp. (LRMC), katuwang ang digital banking app na Maya, ng QR (quick response) code ticketing system noong Huwebes, May 25. Ang QR code ticketing system ay nagbibigay-daan sa mga commuter na bumili ng single journey na LRT-1 QR ticket gamit ang Maya app at i-scan ang na-generate na QR code sa mga fast lane na matatagpuan sa lahat ng LRT-1 Stations. Dahil sa inisyatibong ito, mas maraming opsyon ang commuter sa pagbabayad upang mapagaan din ang kanilang biyahe, ani LRMC President at CEO na si Juan Alfonso. Sinabi ni Maya Group President at Maya Bank co-founder Shailesh Baidwan na ang digital transactions at contactless approach sa pagbili ng LRT ticket ay para sa kalusugan at kaligtasan ng publiko na mahalaga sa panahon ngayon. Samantala, malugod na tinanggap ni Transport Secretary Jaime Bautista ang inisyatibang ito, pagpapakita ito ng matagumpay na synergy sa pagitan ng mga pribadong operator ng LRT-1 at ang mandato ng serbisyo publiko ng DoTr (Department of Transportation).
Latest News