Logo
FEATURED

BINATILYO NA NABARIL NG PULIS, MAKAKAMIT ANG HUSTISYA

Published Nov 25, 2021 03:10 PM by: NET25 News

BINATILYO NA NABARIL NG PULIS, MAKAKAMIT ANG HUSTISYA

MAKAKAMIT na ng mga kaanak ng 19-anyos na lalaki ang hustisya sa pagkamatay nito makaraang mabaril umano ng isang pulis sa Pampanga. Ito ang naging pagtiyak ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Dionardo Carlos habang inatasan na si Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director, PBGen. Matthew Baccay na ikasa ang imbestigasyon laban sa itinurong suspek na si PCpl. Alvin Pastorin, intel officer sa Pampanga Police Provincial Office. Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Roderick Augustus Alba, nasa kustodiya ng Bacolor Municipal Police Station na si Pastorin. Base sa imbestigasyon, sinita ni Pastorin ang biktima na si Abelardo Vasquez na kasama ng kanyang mga kaibigan sa isang tindahan dahil sa hindi pagsusuot ng face mask. Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo at humingi ng saklolo ang biktima sa mga kamag-anak na nag-iinuman sa lugar. Base sa salaysay ng mga testigo, kinukuyog ng grupo ng biktima ang pulis nang bumunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima. Nagpahayag naman ng pakikiramay si Carlos sa pamilya ng biktima, kasabay ng panawagan sa mga mamamayan na sumunod sa mga Health protocols kung ayaw nilang masita.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News