ILANG KLASE SA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN SUSPENDIDO DAHIL KAY SUPER TYPHOON MAWAR
Published May 26, 2023 09:30 AM by: NET25 News
Ilang local government units (LGUs) sa buong bansa ang nag-anunsyo ng suspensiyon ng klase sa gitna ng malakas na pag-ulan at sa posibleng pagpasok ng Super Typhoon Mawar sa bansa. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring pumasok ang Super Typhoon Mawar sa Pilipinas Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga, at tatawagin itong Super Typhoon Betty. Narito ang ilan sa mga LGU na nagsuspinde ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas: CAGAYAN Province Sta. Ana CEBU Province Alcoy Argao Consolacion Minglanilla (hanggang May 27 for college students) Naga City (Elementary to High School) San Fernando Talisay City (public) ISABELA Echague LAGUNA Calamba Rizal (Nursery to Grade 12) NATIONAL CAPITAL REGION Marikina (hanggang May 27; Lahat ng NSTP at ibang aktibidad na naka-schedule ng May 28 ay kanselado rin) NEGROS OCCIDENTAL Cauayan Hinigaran PAMPANGA Macabebe PALAWAN Roxas Patuloy na antabayanan ang update sa #SuperTyphoonMawar sa lahat ng social media platforms ng NET25.
Latest News