Logo
FEATURED

MMDA TUTULONG SA MGA LUGAR SA LABAS NG NCR NA MAAAPEKTUHAN NG SUPER TYPHOON MAWAR

Published May 26, 2023 10:25 AM by: NET25 News|📷 MMDA FB

MMDA TUTULONG SA MGA LUGAR SA LABAS NG NCR NA MAAAPEKTUHAN NG SUPER TYPHOON MAWAR

Handang tumulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lokal na pamahalaan sa labas ng National Capital Region (NCR) na mapipinsala ng paparating na Super Typhoon Mawar, ayon kay MMDA acting chairperson Don Artes sa isang media briefing. "Sabi ko nga, ang LGUs ng Metro Manila ay handa, equipped, at trained ang aming mga tao dito sa NCR. So, after namin maayos ang lahat dito sa NCR, kami ay ready ma-deploy sa ibang lugar," ani Artes. Tiniyak din ni Don Artes na mayroong malapit at mabilis na koordinasyon sa pagitan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at Metro Manila local government units. "MMDRRMC members shall monitor round-the-clock weather updates and situations, while disaster response units will monitor potential flooding in flood prone areas and waterways," ani Artes. Naka-standby para sa deployment ang Urban Search and Rescue Team ng MMDA, na binubuo ng 20 rescuers na sinanay sa water search and rescue operations. Ani Artes natukoy na nila ang mga kritikal na lugar sa pakikipag-ugnayan sa mga LGUs para sa posibleng mobilisasyon ng mga tauhan ng MMDA at asset sakaling bumaha. Sa pag-uulat ng state weather bureau, muling lumakas si Mawar bilang isang super typhoon noong Huwebes ng umaga at maaari itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga. Nagbabala ang PAGASA na patuloy na titindi ang lakas ni Mawar sa susunod na tatlong araw at maaaring umabot sa peak intensity na 215 km/h sa Linggo. Samantala, makararanas ng thunderstorm ang NCR, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna sa loob ng susunod na 12 oras. Pinag-iingat din ng ahensya ang mga commuter at tsuper sa panahon na malakas ang ulan dahil madulas ang kalsada.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News