Logo
FEATURED

HIGIT 1 MILYONG FAMILY FOOD PACKS NAKAHANDA PARA SA MGA MAAAPEKTUHAN NG SUPER TYPHOON MAWAR

Published May 26, 2023 11:12 AM by: NET25 News|📷 DSWD FB

HIGIT 1 MILYONG FAMILY FOOD PACKS NAKAHANDA PARA SA MGA MAAAPEKTUHAN NG SUPER TYPHOON MAWAR

Binanggit ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-preposition ang mga relief items sa buong bansa bilang bahagi ng augmentation support sa local government units (LGUs) na maaapektuhan ng super typhoon. Mahigit 1 milyong family food packs (FFPs) at kabuuang 307,664 non-food items (NFIs) ang nakahanda na sa lahat ng rehiyon maging sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) at Visayas Disaster Resource Center (VDRC). Ayon sa DSWD, nakahanda na itong ipamahagi sa mga lugar na maaapektuhan ng super typhoon. Inabisuhan na ni Gatchalian ang kanilang mga regional office sa mga lugar na direktang tatamaan ni Mawar at aniya, magsasagawa sila ng round-the-clock monitoring, upang matiyak na sapat ang mga relief items. Nagpasalamat naman ang kalihim sa mga opisyal ng Department of National Defense (DND) dahil sa pagdadala nito ng mga family food pack sa Batanes na inaasahang isa sa mga lugar na maaapektuhan ng tropical cyclone, ayon PAGASA. Ngayong taon, mayroong halos isang bilyong pondo ang DSWD para sa Quick Response Fund. Kalahating bilyon dito ay inilaan para sa family food packs.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News