SUPER TYPHOON MAWAR BAHAGYANG LUMAKAS HABANG KUMIKILOS PAKANLURAN SA PH SEA
Published May 26, 2023 12:00 PM by: NET25 News|📷 DOST PAGASA
Bahagyang lumakas pa ang Super Typhoon Mawar, na may local name na “Betty”. Inaasahang tatatak ito pakanluran hilagang-kanluran hanggang sa Linggo habang bumibilis bago lumiko sa hilagang-kanluran. Sa track forecast, papasok ang super typhoon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng madaling araw. Kaninang alas-10 ng umaga, namataan ang sentro ng mata ng super typhoon 1,705 km Silangan ng Southeastern Luzon, ayon sa latest weather bulletin ng PAGASA. Napanatili nito ang maximum sustained winds na 215 km/h malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na aabot sa 260 km/h, at central pressure na 905 hPa. Magsisimulang humina si Mawar sa Linggo habang nagsisimula itong lumalapit sa katubigan sa silangan ng Extreme Northern Luzon. Ang sentro ng mata ni Mawar ay tinatayang nasa loob ng 250 km mula sa Batanes-Babuyan archipelago sa susunod na linggo habang bumabagal ang pagkilos nito. “Mawar is forecast to reach its peak intensity within 24 hours. The super typhoon may slightly weaken by tomorrow evening but is expected to remain as a super typhoon until Monday morning due to highly favorable environment,” pahayag ng PAGASA sa isinagawang press conference. Ayon pa sa PAGASA, maaaring mahatak ng super typhoon ang Southwest Monsoon na maaaring magdulot ng monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas simula sa Linggo o Lunes.
Latest News