MGA PULIS NA SANGKOT SA P6.7 BILYONG SHABU HAUL, SASAMPAHAN NG KASO —ABALOS
Published May 26, 2023 02:52 PM by: NET25 News | 📷: DILG PHILIPPINES FB
“The video is a testament of what transpired.” Ito ang gagamiting basehan sa pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo sa mga pulis na sangkot sa nasamsam na P6.7 bilyon halaga ng shabu sa Maynila noong nakaraang taon. Kinumpirma ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. “In 10 days malalaman ninyo kung ilang mga pulis na kasama sa video ang pafile-an natin ng kaso,” pahayag ni Abalos. Bumuo si Abalos ng task force na pinangungunahan ni National Police Commission (NAPOLCOM) vice chairperson Alberto Bernardo para rito. Matatandaan na sinibak sa serbisyo si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. matapos mahulihan ng 990 kilos ng shabu sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad noong Oktubre 2022 sa Maynila. Nauna nang sinabi ni Abalos na may tangkang cover-up sa nangyaring pagkakasabat sa P6.7 bilyong halaga ng shabu. Iginiit ng DILG chief na ang CCTV footage "speaks for itself." “In law, there is the principle of res ipsa loquitur. The thing speaks for itself. The video in itself is a statement of what transpired,” ayon kay Abalos.
Latest News