Logo
FEATURED

PONDO PARA SA REHABILITASYON NG MANILA CENTRAL POST OFFICE, DAPAT KUNIN SA GSIS —ESCUDERO

Published May 26, 2023 03:00 PM by: NET25 News | 📷: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

PONDO PARA SA REHABILITASYON NG MANILA CENTRAL POST OFFICE, DAPAT KUNIN SA GSIS —ESCUDERO

Dapat manggaling sa insurance claims ang pondo para sa rehabilitasyon ng nasunog na Manila Central Post Office, ayon kay Senator Francis "Chiz" Escudero.   Ayon kay Escudero, bago pa man galawin ang ibang pondo sa national budget ay unahin munang habulin ang insurance mula sa Government Service Insurance System (GSIS).   Tinukoy ng senador ang GSIS na "state insurance company" ng bansa.   Sa ilalim ng Republic Act 656 o ang "Property Insurance Law," inoobliga ang lahat ng ahensya ng gobyerno, maliban sa ilang lokal na pamahalaan, na i-insure laban sa anumang insurable risk ang kanilang mga pag-aari o assets sa General Insurance Fund (GIF) na pinangangasiwaan ng GSIS.   Dagdag ni Escudero, pati ang mga Public-Private Partnership (PPP) projects na may insurable interest ang gobyerno ay dapat naka-seguro sa GSIS.   Ang fire insurance premiums ng PhilPost ay nakapaloob sa P25.8 million budget para sa sari-saring taxes, duties and licenses, insurance, fidelity bond premiums at iba pang singil.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News