ZUBIRI, HINILING NA I-ADOPT NG KAMARA ANG SENATE VERSION NG MAHARLIKA FUND BILL
Published May 26, 2023 03:15 PM by: NET25 News | 📷: SENATE OF THE PHILIPPINES FB
Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga kapwa mambabatas sa Kamara na i-adopt ang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Ginawa ng Senate president ang panawagan matapos sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Senate Bill No. 2020. Sinabi ni Zubiri na umaasa siyang i-adopt ng Kamara ang Senate version ng panukala dahil nilagyan nila ito ng dagdag na mga safeguards upang maiwasan ang anumang maling paggamit nito. Kapag kinatigan ng Kamara ang panukala ng Senado, malaki ang pag-asang mapagtibay ito ng Kongreso bago mag-adjourn ang first regular session ng 19th Congress. Samantala, ipagpapatuloy ng Senado sa Lunes ang interpelasyon sa MIF bill. Pagkatapos nito ay agad na bubuksan ang period of amendments. Target ng Senado na pagtibayin sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang naturang panukala sa susunod na linggo.
Latest News