Logo
FEATURED

TELEBISYON SA LOBBY NG POLICE STATIONS SA NCRPO, BAWAL NA

Published May 26, 2023 03:18 PM by: NET25 News | 📷: PNA

TELEBISYON SA LOBBY  NG POLICE STATIONS  SA NCRPO, BAWAL NA

Ipinaaalis ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief MGen. Edgar Alan Okubo ang mga telebisyon sa lobby ng mga police stations upang makapagpokus ang mga ito sa mga humihingi ng police assistance. Ayon kay Okubo, ang aksyon ay ipinatupad matapos ang kanilang pag-iikot sa mga police stations at police community precinct na kung saan napansin na sa telebisyon nakatutok ang karamihan sa mga desk officers at tauhan ng presinto at mistulang hindi sa mga humihingi ng kanilang assistance. "Nag-conduct kami ng study at discreet lang ito, na pinamunuan ng aming Regional Intelligence Division. Nung papasok 'yung tinatawag naming discreet personnel to ask assistance dun sa mga desk officers, medyo hindi naasikaso dahil nakatingin 'yung mga desk officer namin sa telebisyon, ayaw paistorbo,” ani Okubo. Mahigpit din ang pagbabawal ng paggamit ng social media ng mga pulis, habang naka-duty. “Minsan, napansin n’yo, minsan sa isang grupo ng kapulisan, halos nakatungo lahat, at 360 (degrees), ‘di sila aware sa nangyari. Delikado 'yun sa naka-deploy,” dagdag pa ni Okubo. Gayunman, makakapanood pa rin naman ng telebisyon ang mga pulis subalit kailangang nasa kitchen area ng police station. Samantala, nagtalaga na rin ng mga babaeng desk officer sa mga police station. Mas mahaba umano ang pasensiya at mas maunawain ang mga babaeng pulis sa pakikipag-usap at pagtanggap ng reklamo.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News