Logo
FEATURED

69% NG MGA PINOYS, HIRAP MAKAHANAP NG TRABAHO —SWS

Published May 26, 2023 03:33 PM by: NET25 News

69% NG MGA PINOYS, HIRAP MAKAHANAP NG TRABAHO —SWS

Nasa 69% ng mga adult na Pinoy ang hirap na makahanap ng trabaho. Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS). Ayon sa SWS, lumitaw sa survey na nasa 11% lamang ng mga respondents ang nagsabi na madali lamang makahanap ng trabaho sa kasalukuyan, habang 16% naman ang nagsabing hindi madali at hindi rin mahirap ang paghahanap ng trabaho at 4% naman ang nagsabi na hindi nila alam. Sinabi ng SWS na simula pa 2011 ay mahirap na para sa mga Pinoy ang maghanap ng trabaho. Nasa 50% naman ng mga respondents ang naniniwala na magkakaroon ng mas maraming trabaho sa susunod na 12 buwan. Gayunman, nasa 26% ang naniniwala na walang magiging pagbabago at 10% ang naniniwala na magiging mas kaunti pa ang trabaho habang 14% ang sumagot ng hindi nila alam. Simula pa 2009, maliban noong kasagsagan ng pandemya, optimistiko na ang mga Pinoy hinggil sa availability ng trabaho. Ayon sa SWS, nasa 1,200 Pinoy na nagkaka-edad ng 18-taong gulang pataas ang naging respondents nila sa naturang survey, na isinagawa mula Marso 26 hanggang 29 at mayroong sampling error margin na ±2.8%.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News