Logo
FEATURED

P7-M HALAGA NG SMUGGLED NA SIGARILYO, NASABAT NG PHILIPPINE NAVY

Published Nov 25, 2021 03:10 PM by: NET25 NEWS

P7-M HALAGA NG SMUGGLED NA SIGARILYO, NASABAT NG PHILIPPINE NAVY

Aabot sa P7 milyong halaga ng smuggle na sigarilyo ang nasabat ng Philippine Navy sa Kalingalan Caluang, Sulu. Ayon sa Naval Forces Western Mindanao, sakay ng bangka ang anim na indibidwal lulan ang daan-daang master cases ng mga puslit na sigarilyo . Itinurn-over na sa Bureau of Customs sa Zamboanga City ang mga nasabat na sigarilyo maging ang mga sangkot na indibidwal sa illegal na pagpupuslit ng nasabing produkto. Sa ulat, milyun-milyong halaga na ng smuggled na sigarilyo ang nakukumpiska ng mga awtoridad ngayong taon.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News