PUJ OPERATORS, PINAALALAHANANG IBIGAY SA MGA DRIVER ANG FUEL SUBSIDY
Published Nov 25, 2021 03:10 PM by: NET25 NEWS
PINAALALAHANAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga public utility jeepney (PUJ) operators na ibigay ang Pantawid Pasada Program (PPP) cards sa mga driver kung saan makukuha ang P7,200 fuel subsidy. Sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra III na alinsunod sa Section 82 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang benepisyaryo sa fuel vouchers ay mga “qualified franchise holders” ng PUJs. Ipinaliwanag ni Delgra na ang nagmamaneho ang gumagastos ng krudo kaya't karapat-dapat lang na ang subsidiya ay maibigay sa mga drivers. Ginawa ng opisyal ang paalala sa gitna pagsisimula ng distribusyon ng P1-billion fund para sa fuel subsidies sa mga jeepney drivers upang mabawasan ang kanilang pasanin sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Sa datos, nairelease na ng Landbank ang P7,200 fuel subsidy sa 85,000 active PPP cards habang ilalabas na rin nila ang para sa 50,000 cards. Nilinaw ni Delgra na sa ngayon ay limitado sa PUJ drivers ang fuel subsidy.
Latest News