Logo
FEATURED

PAO, HINIMOK ANG MGA BABAENG BIKTIMA NG KARAHASAN NA HUMINGI NG LEGAL ASSISTANCE

Published Nov 25, 2021 03:10 PM by: NET25 NEWS

PAO, HINIMOK ANG MGA BABAENG BIKTIMA NG KARAHASAN NA HUMINGI NG LEGAL ASSISTANCE

HINIMOK ng Public Attorney’s Office (PAO) ang mga babaeng biktima ng karahasan na humingi ng legal assistance. Ang panawagan ng PAO ay sa gitna ng paggunita sa “National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children” sa ilalim ng Republic Act No. 10398. Alinsunod sa Proclamation No. 1172, idineklara ang Nov. 25 hanggang Dec. 12 kada taon bilang “18-Day Campaign to End Violence Against Women.” Sinabi ni PAO Chief Persida Rueda Acosta na anumang gender-based violence na nagresulta sa physical, sexual, o mental harm o paghihirap sa sinumang babae ay malinaw na maling karanasan at nangangailangan ng tulong ng Public Attorney’s Office. Ipinaliwanag ni Acosta na ang kanilang mandato ay ang pagtataguyod ng dignidad ng bawat Pilipino, na hikahos man sa buhay, ay maipagtanggol ng mga mahuhusay na abogadong may kakayahang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Hinimok ni Acosta ang mga Pilipino na irespeto ang bawat isa upang walang karahasang nagaganap.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News