COVID-19 SA PINAS ‘DI PA TULUYANG KONTROLADO – DOH
Published Nov 25, 2021 04:48 PM by: NET25 NEWS
Hindi pa rin maidedeklarang kontrolado ang COVID-19 sa bansa kahit pa malaki na ang naging pagbaba sa arawang kaso nito. “We are not going to declare this soon. We are just coordinating with WHO on the process and the determinants of disease control or containment,” ayon kay Heatlh Undersecretary Maria Rosario Vergeire. May kinalaman ito sa planong paghingi ng opinyon ni Secretary Francisco Duque III sa World Health Organization (WHO) kung maaari nang ideklara na kontrolado na ang pandemya sa Pilipinas. Binanggit ni Vergeire na base sa mga karanasan sa mga nakaraan, maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari tulad ng pagbaba ng kaso at muling pagtaas dahil sa iba't ibang kadahilanan. “Maaring ang ating NCR, mataas na ang bakunahan dito, tapos ang ating community response has been intensified. But if we compare to other areas in the country, some of the areas in the country, mababa pa rin ang pagbabakuna,” ayon kay Vergeire. Marapat lang umano na ganap na preparado na ang 'health system' ng bansa para makapagdeklara na kontrolado na talaga ang sakit.
Latest News