OMICRON VARIANT, UMAATAKE SA AIRWAY PASSAGES
Published Dec 17, 2021 03:10 PM by: NET25
KUMPARA sa Delta Variant, 70 beses na nagmumultiply ang Omicron variant ng Covid-19 sa tissues sa airway passages na nagiging dahilan ng person-to-person spread. Ito ang lumitaw sa pag-aaral ng Hong Kong University kaugnay sa bagong variant. Gayunman, sa lung tissues, mas mabagal ng 10 beses ang Omicron sa pagkalat kumpara sa original na version ng coronavirus kaya't mas maliit ang tsansa ng severe illness. Ayon kay study leader Dr. Michael Chan Chi-wai, mahalagang malaman ang posibleng epekto ng sakit sa tao at hindi lamang ang replication ng virus. Ipinaalala ni Chan na depende rin sa katawan ng isang tao, ang isang very infectious virus ay maaari ring magdulot ng severe disease at kamatayan kahit ang virus ay less pathogenic.
Latest News