DOTR NAGBABALA SA MAMEMEKE NG VACCINATION CARD
Published Jan 14, 2022 04:26 PM by: NET25
Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga nagbabalak gumamit ng pekeng vaccination card sa harap ng pag-arangkada sa darating na Lunes ng 'no vax, no ride' policy sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila. Ipinaliwanag ni DOTr Undersecretary for Legal Affairs Reinier Paul Yebra na bukod sa multa at mahaharap rin sa pagkakulong ang ang mga mahuhuling mamemeke ng vaccination card sa ilalim ng revised penal code. Mayroon din anyang kaparusahang nakapaloob sa mga ordinansa na ipinasa ang mga local govt units (LGUs) na naglilimita sa paglabas ng bahay ng mga 'di bakunadong indibiduwal. Anya, sa ilalim ng Republic Act 113322 ay nagpaparusa din ito sa mga pasaway sa gitna ng pandemic. May ipapakalat din ang DOTr na mga 'mystery passenger' upang bantayan na sinusunod ng mga diver at operator ang naturang polisiya. Sa Lunes, January 17 makakatuwang ng DOTr ang Land Transportation Office, LTFRB, I-ACT, MMDA, mga LGUs at ng PNP sa pagpapatupad ng No Vax no ride policy.
Latest News