LRT, MRT AT PNR IPATUTUPAD DIN ANG "NO VAX, NO RIDE" POLICY
Published Jan 14, 2022 07:02 PM by: NET25
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ipatutupad din sa LRT, MRT at PNR ang "no vaccine, no ride" policy simula Enero 17. Tanging ang mga bakunado kontra COVID-19 lamang ang papayagan na sumakay sa mga nasabing tren. "Only fully vaccinated passengers will be allowed entry into the train stations upon presentation of any valid government-issued IDs and any of the following: physical or digital copies of LGU-issued vaccination card; DOH-issued vaccination certification; and any IATF-prescribed document,” aniya ni Transportation Undersecretary Railways Timothy John Batan. Simula rin sa Lunes, ipapatupad sa Metro Manila ang "no vaccine, no ride" policy sa mga pampublikong sasakyan.
Latest News