BILANG NG MGA BAGONG KASO NG COVID-19, HINDI NAKIKITAAN NG PAGBABA
Published Jan 14, 2022 08:02 PM by: NET25
PATULOY ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas batay sa pinakahuling datos na inilabas ngayon ng Department of Health (DOH). Ang bagong kaso ngayong Enero 14 ay nasa 37,207 dahilan para sumampa na sa 3, 129,512 ang kabuuang mga kaso sa bansa. Umabot na rin ang aktibong kaso sa 265,509 na ang karamihan ay mga mild cases at asymptomatic. Sa kabila nito, tumaas din ang bagong naitalang recoveries na umabot sa 9,027 habang 81 naman ang nadagdag sa death toll. Sa bilang ng iniulat na pumanaw, 21 lamang ang naitala ngayong buwan ng Enero 2022 habang ang iba ay nangyari pa sa nakalipas na mga buwan ng 2021. Sa kasalukuyan umakyat na sa 2,811,188 ang gumaling na sa virus habang pumalo na sa 52,815 ang namamatay.
Latest News