DBM, INILABAS NA ANG KARAGDAGANG P1.185 BILLION PARA SA SRA NG MGA HEALTHCARE WORKERS
Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management ang karagdagang P1.185 bilyong piso para sa special risk allowance (SRA) para sa mga health workers sa panahon ng COVID-19 pandemic. Sakop ng nasabing halaga ang SRA ng 63,812 eligible public at private healthcare workers "who are directly catering to or are in contact with COVID-19 patients," ang nakasaad sa kalatas ng DBM. Sa kabuuan, ipinalabas ng budget department ang P11.856 bilyong piso, mapakikinabangan ito ng 562,928 healthcare workers na makakatanggap ng SRA na hindi lalampas sa P5,000 kada buwan mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021. Ang SRA ay mayroong mandated benefit na dagdagan ang sahod ng mga essential workings na nasa frontline sa paglaban sa respiratory disease.
Latest News