Logo
FEATURED

DEPOPULATION DAHIL SA COVID-19, HINDI SA BAKUNA --POPCOM

Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS

DEPOPULATION DAHIL SA COVID-19, HINDI SA BAKUNA --POPCOM

PINALAGAN ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang ulat na ang COVID-19 vaccines ang dahilan ng “depopulation” sa bansa. Ito kasi ang kumakalat sa social media at naging dahilan ng pag-aalinlangan ng publiko na magpabakuna. Sinabi ni POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III na ang pagtaas sa mortality at pagbagsak ng birth rates sa bansa ay dahil sa COVID-19 at epekto sa local health system, at hindi dahil sa mga bakuna. “Deaths and births, directly or indirectly, are attributable to the impact of the coronavirus on the health system and economy; but definitely, not due to vaccinations,” ani Perez. "More than one in 10 deaths in the country are directly attributable to COVID-19 which has resulted in 105,425 fatalities between April 2020 and October 2021," ayon sa POPCOM. Makikita sa data na ang pagkawala ng buhay o ang pagkamatay dahil sa COVID-19 ngayon ay pumalo na sa 11.04% ng lahat ng namatay sa bansa sa kahalintulad na panahon, dahilan upang ito'y maging second-leading cause ng registered deaths simula nang kumalat ang virus noong Marso 2020. “The increase in deaths compared to previous years has been noted since July 2020. Comparing the first six months of 2021 to the same period of 2020, there was an increase of 88,191 deaths,” ayon kay Perez. “One can attribute over half of that, or 51%, to COVID-19, and the rest to ischemic heart disease, hypertensive disease and other illnesses—the cases which also went up in that time frame,” paliwanag nito. Hinggil naman sa lower population increase, nauna nang sinabi ng POPCOM na ito'y dahil sa kamakailan lamang na "decline in births" bunsod sa tatlong dahilan gaya ng "women and couples opting to delay having children; lower number of marriages and family formation in general; and increasing use of modern family planning methods." “The decline in childbirths started in December 2020, when they went down to 115,997, then declined further in succeeding months in 2021, with the lowest births seen in February 2021 at 82,535. This was also noted well before the March 2021 rollout of vaccinations for COVID-19,” dagdag pa niya.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News