US AT PHILIPPINE ARMY, MAGSASAGAWA NG MILITARY DRILL
Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS
MAGSASAGAWA ng isang buwang military drill ang mga tauhan ng Philippine Army at United States Army Pacific (USARPAC) sa iba't ibang lugar sa Central Luzon sa Marso. Ito ay upang palakasin ang kanilang interoperability at bilang bahagi ng kanilang commitment na tulungan ang bawat isa. Ayon kay Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., PA Commanding General, pinag-uusapan na ang plano para sa Salaknib exercises. Ang Salaknib na nangangahulugan ng proteksyon sa Ilocano ay patunay ng nagpapatuloy na ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. Nakabatay ito sa Philippine-US Mutual Defense Treaty at sinimulan noon pang 2015. Isasagawa ito ngayong taon mula Marso 5 hanggang 24. [Photo: Ted Aljibe/AFP/Getty Images]
Latest News