Logo
FEATURED

70 KATAO, PATAY SA AIRSTRIKE SA YEMEN

Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS

70 KATAO, PATAY SA AIRSTRIKE SA YEMEN

NASA 70 katao ang nasawi sa airstrike sa prison sa Northern Heartland ng Saada bunsod ng matagal nang conflict sa Yemen. Agad namang kinondena ni UN chief Antonio Guterres ang insidente. Naglabas din ang Houthi rebels ng video footage na nagpapakita ng bangkay ng mga biktima sa pag-atake. Ang kulungan ay ginagamit ding holding center para sa mga migrants kung saan ilan din sa kanila ang nasugatan. Tatlo naman ang namatay sa airstrikes na pinangunahan ng Saudi-led coalition sa isang telecommunications facility sa Hodeida. Dahil dito, nakaranas ang Yemen ng country-wide internet blackout. Ayon sa Save the Children, naglalaro ang mga bata sa football field nang maganap ang insidente. [Photo: AFP]

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News