Logo
FEATURED

P5.2-MILLION HALAGA NG ECSTASY NASABAT, CONSIGNEE ARESTADO SA QC

Published Jan 23, 2022 03:25 PM by: NET25 NEWS

P5.2-MILLION HALAGA NG ECSTASY NASABAT, CONSIGNEE ARESTADO SA QC

Aabot sa P5.2 milyong halaga ng ecstasy ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) - Port of Clark, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Unit o PDEA sa Quezon City. Aabot sa 3054 piraso ng ecstasy tablets ang nakumpiska habang naaresto naman ang consignee na hindi pa pinapangalanan ng BOC. Sa impormasyon, galing ang shipment sa Zaandam, Netherlands at idineklarang “Solar Lights for Home Use” na pinigil sa pagdating nito noong Jan .20,2022 at isinailalim sa x-ray scanning at PDEA K9 sniffing na nagbigay ng positibong indikasyon ng presensya ng ilegal na droga. Nagsagawa rin ng field testing ang CAIDTF Clark personnel sa pamamagitan ng Rigaku Ramman Chemical Analyzer kung saan positibo rin ang resulta ng "Mixture of Cotton MDMA" o ecstasy. Itinurn over agad ang mga ito sa PDEA para sa pagsasagawa ng chemical laboratory analysis at nakumpirma na ang nasabing tableta ay natukoy na Methylenedioxymethamphetamine o Ecstasy. Dahil dito, nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment para sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, i & l of R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na nauugnay sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nitong Jan. 22, nagsagawa ng controlled delivery operation ang pinagsanib na pwersa ng PDEA, CAIDTF, ESS & CIIS sa consignee’s address sa Quezon City kung saan naaresto ang claimant.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News