Logo
FEATURED

IATF, SUPORTADO ANG FACE-TO-FACE CLASSES SA PUBLIC AT PRIVATE SCHOOLS

Published May 14, 2022 12:13 PM by: NET25 [Photo: DEPED PH]

IATF, SUPORTADO ANG FACE-TO-FACE CLASSES SA PUBLIC AT PRIVATE SCHOOLS

SUPORTADO ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng face-to-face classes para sa lahat ng public at private public institutions para sa pangunahing edukasyon. Gayunman, sinabi ng IATF na hindi dapat gamitin bilang requirement ang COVID-19 vaccination para sa pagsasagawa ng full face-to-face classes para sa basic education. Sa halip, ayon kay Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Secretary Martin Andanar, hinikayat ng IATF ang public at private educational institutions for basic education na magsagawa ng COVID-19 vaccination programs para sa kani-kanilang mga mag-aaral. "To provide an opportunity for children to be vaccinated, public educational institutions for basic education are enjoined to allow the Department of Health (DOH), in coordination with their respective local government units (LGUs), to facilitate the conduct of the COVID-19 vaccination programs within their premises," ayon kay Andanar. Samantala, ang mga private educational institutions for basic education ay maaaring magsagawa ng pagbabakuna sa kanilang mga mag-aaral sa pakikipag-ugnayan sa DOH at LGU na nakasasakop sa kanila. Ang nasabing COVID-19 vaccination programs ay dapat na isagawa na may "informed consent" na ibinigay at nilagdaan ng magulang o guardian, at pagsang-ayon mula naman mismo sa mga mag-aaral alinsunod sa naaangkop na DOH guidelines. Ang DOH, sa pakikipagtulungan sa kani-kanilang LGUs, ay dapat na tiyakin ang tamang implementasyon ng COVID-19 vaccination programs para sa basic education learners sa public at private educational institutions.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News