Logo
FEATURED

POLL PARAPHERNALIA SA ESPESYAL NA HALALAN, INIHAHANDA NA NG COMELEC

Published May 14, 2022 12:19 PM by: NET25 [Photo: COMELEC]

POLL PARAPHERNALIA SA ESPESYAL NA HALALAN, INIHAHANDA NA NG COMELEC

Magbibigay lamang ang poll body ng 1,374 na bagong printed ballots sa mga lugar na pagdadaosan ng espesyal na halalan, sabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco. Ayon sa Commission on Elections (Comelec) inihahanda na ng en banc ang mga paraphernalia na kakailanganin sa 14 na barangay ng lalawigan ng Lanao del Sur kung saan idineklara ang "failure of elections". Batay sa mga ulat, nabigo ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na makuha ang kabuuang 798 na nakaw na balota para sa apat na clustered precincts sa Barangay Ragayan, Butig. Nagresulta naman ng pagkasira ng mga VCM at 576 na opisyal na balota para sa tatlong clustered precincts ang karahasan na may kinalaman sa botohan sa Barangay Pindolonan, Binidayan. Iniulat ng Comelec ang seryosong banta ng karahasan at pananakot sa 11 nayon sa bayan ng Tubaran, ngunit nanatiling buo ang mga VCM at ang mga balota. May kabuuang 8,295 rehistradong botante ang naapektuhan ng deklarasyon ng “failure of elections” sa mga lugar na ito. Samantala, tiniyak ni Laudiangco ang mabilis na pag-imprenta ng mga balota para sa mga lugar na ito, na binanggit na ang National Printing Office ay makakapag-produce ng 1 milyong balota sa isang araw.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News