Logo
FEATURED

PAGPASOK NG BAGONG ADMINISTRASYON, HINDI MAKAKA-APEKTO SA COVID RESPONSE NG GOBYERNO

Published May 14, 2022 12:24 PM by: NET25

PAGPASOK NG BAGONG ADMINISTRASYON, HINDI MAKAKA-APEKTO SA COVID RESPONSE NG GOBYERNO

HINDI makaaapekto at walang nakikitang problema ang National Task Force against COVID-19 para maapektuhan ang pagtugon ng bansa sa COVID 19 sa harap ng napipintong pagpapalit ng liderato ng bansa. Sa Laging Handa pubic Briefing, tinuran ni NTF against COVID-19 adviser, Dr. Ted Herbosa na ang magpapalit lang naman ay mga lider pero ang whole government mechanism ay naririyan pa din. Ani Herbosa na hindi rin naman magagalaw ang kanilang personnel na matagal ng nakapag - train, alam na ang ginagawa at proseso ng vaccine administration. Tiwala naman si Herbosa na magkakaroon ng smooth transition gayung mayrun na ding transition team kapwa ang outgoing at incoming Administration. Kung may mahihiling aniya ang DOH, ito ay ang ituloy din sana ang mga programa sa COVID response at vaccination na hindi natapos.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News