DAGDAG SA PHILHEALTH CONTRIBUTIONS, GAGAWING RETROACTIVE MULA ENERO
Published May 14, 2022 12:33 PM by: NET25
GAGAWING retroactive ng Philippine Health Insurance Corporation ang paniningil ng dagdag na one percent premium sa mga miyembro nito mula Enero. Sa Advisory No. 2022-0010, sinabi ni PhilHealth na ang mga miyembro na nakapagbayad ng 3% na premium para sa mga buwan ng Enero hanggang Mayo ay pinapayuhang mag-generate ng Statement of Premium Account para sa paid periods upang mabayaran din ang 1% differential payments/remittances hanggang December 31, 2022. Ipinaliwanag ng state health insurer na ang premium rate na 4% para 2022 ay retroactively effective simula noong Enero alinsunod sa Universal Health Care law. Alinsunod sa batas, ang premium rate ay tataas ng 0.5% kada taon hanggang umabot sa 5%. Ang 4% premium rate ay katumbas ng P400 sa mga kumikita ng P10,000 pababa kada buwan.
Latest News