Logo
FEATURED

3-MILYONG COVID 19 VACCINES, IDO-DONATE NG PINAS

Published May 14, 2022 12:35 PM by: NET25 [Photo: PEDRO PARDO / AFP]

3-MILYONG COVID 19 VACCINES, IDO-DONATE NG PINAS

KINUMPIRMA ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na isinasaayos na ng Pilipinas ang pagdo-donate ng 3 milyong COVID-19 vaccines sa ibang bansa. Ayon kay NTF special adviser Ted Herbosa, posibleng ipamahagi ang mga bakuna sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations. Partikular anya ito sa Laos, Cambodia at Myanmar na sa kanilang impormasyon ay kapos sa suplay ng bakuna. Posible rin anyang ikunsidera ang pamamahagi ng bakuna sa African countries na nangangailangan din ng bakuna. Kinumpirma rin ni Herbosa na nasa isang milyong doses ng AstraZeneca vaccine na bahagi ng donasyon ng COVAX facility ang nag-expire sa iba't ibang rehiyon. Subalit, nangako anya ang COVAX na papalitan nila ito ng bagong suplay.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News