Logo
FEATURED

KASAMA NG MGA SENATORS-ELECT SA PROKLAMASYON, LILIMITAHAN

Published May 14, 2022 07:29 PM by: NET25

KASAMA NG MGA SENATORS-ELECT SA PROKLAMASYON, LILIMITAHAN

LILIMITAHAN ng Commission on Elections ang maaaring isama ng mga senators-elect at partylist-elect sa araw ng proklamasyon. Ipinaalala ni Comelec Acting Spokesman John Rex Laudiangco na nasa alert level 1 pa rin ang Metro Manila at nananatili pa rin ang COVID 19 pandemic. Dahil dito, dapat sumunod pa rin ang lahat sa ipinatutupad na minimum public health standards. Sinabi ni Laudiangco na ang mga senators-elect ay papayagang magsama ng tatlo pang indibidwal habang limitado sa dalawa ang partylist. Malaki rin anya ang posibilidad na mauna ang proklamasyon ng mga nanalong senador at isunod ang mga nagwaging partylist. Subalit, sinabi ni Laudiangco na pinag-aaralan din nila na magkaroon ng partial proclamation ng mga nanalong partylist kasabay ng mga senators-elect. Gayunman, hanggang sa mga oras na ito ay hindi matiyak kung isasagawa ang proklamasyon sa araw ng Linggo o abutin ito ng Lunes.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News