Logo
FEATURED

COMELEC: DI LAHAT NG GURONG NAGSILBI SA ELEKSYON, TATANGGAP NG DAGDAG INSENTIBO

Published May 14, 2022 07:37 PM by: NET25

COMELEC: DI LAHAT NG GURONG NAGSILBI SA ELEKSYON, TATANGGAP NG DAGDAG INSENTIBO

NILINAW ng Commission on Elections na hindi lahat ng guro na nagsilbi noong May 9 elections ay tatanggap ng dagdag na honoraria. Sinabi ni Comelec Acting Spokesperson, Atty. John Rex Laudiangco na tanging mga guro at pollworkers na nag-extend ng trabaho dahil nagkaroon ng aberya ang kanilang vote counting machines ang makatatanggap ng karagdagang insentibo. Partikular ito sa 915 VCM na nagkaproblema at hindi agad napalitan ng poll body kaya't tumagal ang halalan. Kinumpirma rin ni Laudiangco na inihain na ni Commissioner George Garcia ang apela sa en banc para sa pagbibigay ng additional service incentives. Sa panig naman ng Department of Education, sinabi ng tagapagsalita na magkakaroon din ng formal manifestation ang ahensya para sa dagdag insentibo. Ipinaliwanag ng opisyal na pag-aaralan ng en banc ang kahilingan at kung magkano ang maaaring ibigay na honoraria. Wala namang komento ang opisyal sa hiling na iexempt ang insentibo ng mga guro sa buwis sa pagsasabing nasa hurisdiksyon ito ng Bureau of Internal Revenue. [Photo: PH News Agency]

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News