Logo
FEATURED

HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ, SUPORTADO NG PDP LABAN

Published May 14, 2022 07:46 PM by: NET25

HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ, SUPORTADO NG PDP LABAN

SUPORTADO ng PDP-Laban ang pag-endorso kay Rep. Martin Romualdez bilang susunod na House Speaker. Ayon kay PDP Laban Presirent Alfonso Cusi, ineendorso nila si Romualdez para susunod na lider ng Kamara. Ang PDP-Laban ang siyang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Cusi na sapat ang karanasan at track record ni Romualdez upang pamunuan ang Kamara. Naniniwala anya sila na kayang pagbuklurin ni Romualdez ang iba't ibang bloke sa Kamara para sa maayos na kooperasyon sa executive department. Bago ang pag-endorso ng PDP-Laban, suportado rin ng iba pang partido political ang pagtatalaga kay Romualdez bilang House Speaker.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News