- HOME
- /
PAGPAPATUROK NG 1ST BOOSTER DOSE, MULING IGINIIT NG NVOC DAHIL SA POSIBLENG PAGTAAS NG SEVERE AT CRITICAL CASES NG COVID SA AGOSTO
Published Jun 23, 2022 01:45 PM by: NET25
NANAWAGAN si National Vaccination Operations Center Chairperson DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa mga mamamayanng filipino na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapaturok ng kanilang 1st booster shot. Sa pagtataya kasi ng Department of Health (DOH), maaaring tumaas ang kaso ng severe at critical COVID case sa buwan ng Agosto. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Cabotaje na napakaimportanteng mapataas ang booster rate ng 1st dose lalo't nananatili itong mababa. Sa datos na binanggit ni Cabotaje, nasa 13 to 14 million pa lang ang nakapag- pabakuna ng 1st booster dose na kung saan, kasama na ngayon sa pwede ng mabigyan ang mga nasa 12 to 17 years age group. Sa kabilang dako, nanawagan din si Cabotaje sa mga magulang na sana'y makatuwang nila ang mga ito sa pagbibigay ng booster shot para sa kanilang mga anak na 12 to 17.
Latest News