5 PINOY PATAY SA ROAD CRASH SA NEW ZEALAND
Published Jun 23, 2022 01:51 PM by: NET25
Patay ang limang Pilipino, kabilang ang isang 10-buwang gulang na sanggol, matapos ang isang aksidente sa kalsada malapit sa Picton sa New Zealand, ayon sa embahada ng Pilipinas sa Wellington. Dalawang katao, mga Pilipino rin at mga miyembro ng pamilya na sakay ng van na sinakyan ng mga biktima ang nakaligtas ngunit isang ay nagtamo ng matinding pinsala. “The embassy was shocked and deeply saddened by this tragedy befalling our kababayan. On behalf of the Philippine government, the embassy offers its prayers and condolences to the family and friends of the victims,” sinabi ng embahada. Nakipag-ugnayan na ang embahada sa mga awtoridad mula nang matanggap ang ulat noong Linggo ng umaga. "In the morning of Sunday, June 19, the embassy was informed promptly by the New Zealand Interpol of the fatal crash that occurred along State Highway I, Mount Pleasant in Marlborough. Seven persons were killed, while two survived, one of them sustaining grave injuries. The two survivors and five of the fatalities are Filipinos," ayon pa sa embahada. Binisita ng mga opisyal ng embahada ang dalawang nakaligtas sa Wellington Regional Hospital upang mag-alok ng tulong at ipaabot ang kanilang pakikiramay. Nakikipag-ugnayan ang embahada sa Department of Foreign Affairs (DFA) para tugunan ang pangangailangan ng mga biktima at kanilang pamilya.
Latest News