Logo
FEATURED

SAHOD NG MGA KASAMBAHAY SA NCR, AABOT NA SA P6K NA

Published Jun 23, 2022 04:21 PM by: NET25

SAHOD NG MGA KASAMBAHAY SA NCR, AABOT NA SA P6K NA

Aabot na P6,000 ang magiging buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila makaraang aprubahan ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board (NCR-TWPB) ang P1,000 dagdag-sahod sa kanila. Mabebenipisyuhan nito ang nasa 200,000 kasambahay na nagtatrabaho sa rehiyon. Sa kabila nito, naniniwala si outgoing Labor Secretary Silvestro Bello III na hindi pa sapat ang P1,000 dagdag sa sahod nila dahil sa patuloy na pagsirit sa presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin. Isasailalim pa rin naman sa review ang desisyon ng NCR-TWPB ng National Wages and Productivity Commission (NWCP). Pero kapag naaprubahan na, mauumpisahan itong maipatupad may 15 araw pagkatapos itong mailathala.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News