Logo
FEATURED

PAGGAMIT NG FACEMASK, IREREKOMENDA NI DUQUE SA BBM ADMIN

Published Jun 23, 2022 04:23 PM by: NET25

PAGGAMIT NG FACEMASK, IREREKOMENDA NI DUQUE SA BBM ADMIN

Nais ni outgoing Health Secretary Francisco Duque III na maipagpatuloy ang polisiya apaggamit ng facemask habang nasa labas ng bahay. Ito ang kanyang irerekomenda sa susunod na administrasyon. "I will recommend that it should be extended because there's already an increasing number of cases," saad ni Duque. Hindi lamang umano COVID na pwedeng maiwasan sa pagsusuot ng face mask kundi ang iba pang sakit tulad ng monkeypox, influenza, bacterial pneumonia, at asthma. Nananatili ang paggamit ng facemask ng taumbayan sa mga pampublikong lugar hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino sa Hunyo 30. Umaasa rin si Duque na magiging bukas ang susunod na administrasyon sa polisiya ng COVID-19 vaccination na may eksempsyon. Naniniwala siya na ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ay dahil sa hindi na pagsunod ng mga tao sa minimum health standards, hindi pagpapaturok ng booster shot, at pagdating sa bansa ng omicron subvariants.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News