Logo
FEATURED

MARCOS JR. ITINALAGA SI BELLO SA MECO, PINANATILI SI NOGRALES SA CSC

Published Jun 23, 2022 04:50 PM by: NET25

MARCOS JR. ITINALAGA SI BELLO SA MECO,  PINANATILI SI NOGRALES SA CSC

Hinirang kahapon ni incoming president Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. ang dalawang outgoing na opisyal ng administrasyong Duterte na maging bahagi ng kanyang administrasyon. Kabilang dito sina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III bilang chairman at Resident Representative-designate ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) habang pinanatili sa posisyon si dating Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang Chairman ng Civil Service Commission (CSC). Si Bello ay itinalaga bilang Kalihim ng DOLE ni Pangulong Duterte noong 2016 ay ilang dekada na sa serbisyo publiko at humawak ng iba't -ibang posisyon katulad ng acting Secretary of Justice at kalaunan ay naging Solicitor General noong 1998 sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Fidel Ramos. Naging kalihim din ng Gabinete ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Bello mula 2004 hanggang 2010 at naging Party-list Representative mula 2013 hanggang 2016. Samantala, muling hahawakan ni Nograles ang CSC bilang chairman matapos mabigong maisalang sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) nitong Hunyo dahil sa kakulangan ng quorum. Sina Bello at Nograles ay kabilang sa mga opisyal na pinanatili mula sa administrasyong Duterte ni President-elect Marcos.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News