Logo
FEATURED

BAGONG LPA NAMATAAN

Published Jul 05, 2022 02:42 PM by: NET25 NEWS [PHOTO COURTESY: PAGASA

BAGONG LPA NAMATAAN

NAMATAAN ng PAGASA ang isang bagong Low Pressure Area (LPA) may 330 kilometro sa Juban, Sorsogon nitong Martes ng madaling araw. Nakasanib ito sa isang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, batay sa PAGASA. Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas, Caraga, Bicol Region, Palawan, Quezon, Aurora, Isabela, at Cagayan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa naturang ITZ at LPA. Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa naman, magiging maulap ang kalangitan at makararanas ng isolated na mga pag-ulan at localized thunderstorms. Ang wind speed forecast para sa Luzon ay light to moderate patungong south east to south direction habang ang coastal waters ay inaasahang magiging slight to moderate. Makararanas naman sa Visayas at Mindanao ng light to moderate wind speed patungong southwest to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News