PBBM SA MGA MANGGAGAWA: ITULOY ANG TRABAHO NG TAMA
Published Jul 05, 2022 02:51 PM by: NET25 NEWS [PHOTO COURTESY: FACEBOOK / BONGBONG MARCOS
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga empleyado ng gobyerno na ituloy lang ang kanilang trabaho ng tama. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakiisa kasi si Pangulong Marcos employees sa flag ceremony sa Kalayaan Grounds ng Palasyo simula ng maging lider ng bansa. Sa kanyang mensahe, Lunes ng umaga, Hulyo 4, sinabi nito na tiniyak niya na makadalo sa flag ceremony upang “start out on the right foot” with the other Palace workers whom he called “partners.” “I know how hard that you work at ginagawa ninyo bilang serbisyo at hindi kayo namimili, kung hindi kayo ay sumusunod kung sinuman ang napili ng ating mga mamamayan na umupo dito sa Palasyong ito," ayon kay Pangulong Marcos. “Kaya’t sana naman ay ito ay simula ng isang napakagandang working relationship sa atin," dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos. Sinabi ng Chief Executive na sa kabila ng mga hamon, siniguro niya sa mga Palace workers na hindi sila maitsapwera. “Hindi naman siguro kayo magtataka maraming — may mga bago. Alam niyo naman kani-kanilang style ‘yan. So may magbabago pero huwag ninyong aalalahanin. We are always — we consider you,” aniya pa rin. “Hindi ko — hindi kayo ang empleyado namin. You are our partners. Hindi namin magagawa iyong gagawin namin kung hindi sa inyo," ayon sa Punong Ehekutibo. Ang paalala naman ng Pangulo sa mga empleyado ng Malakanyang na ipagpatuloy lamang ang kanilang trabaho ng tama. "I’m very happy to see you all. Mukhang ready to go, very enthusiastic for this next administration. We need that,” ayon Kay Pangulong Marcos. “Keep it going. Keep up the good work that you have been doing for the years previous,” aniya pa rin “Gawin lang natin ang ating mga trabaho. And siguro one or two steps beyond kung ano lang ‘yung trabaho natin dahil ‘yan ang inaasahan sa atin ng ating mga kababayan," pagpapatuloy nito. Sinabi pa ni Pangulong Marcos, ang trabaho ng bawat empleyado ng Malakanyang ay mahalaga. “When you sit at your desk, and you do something, and you make a decision, or you push something, or you expedite something that affects not only you, not only me, that affects millions of people,” aniya pa rin.
Latest News