Logo
FEATURED

BARANGAY TANOD, INIREKLAMO SA PANGHIHIPO SA ISANG MENOR DE EDAD

Published Jul 05, 2022 03:04 PM by: NET25 NEWS

BARANGAY TANOD, INIREKLAMO SA PANGHIHIPO SA ISANG MENOR DE EDAD

SWAK sa kulungan ang isang 42-anyos na Barangay Tanod dahil sa reklamo ng isang 12-anyos na dalaginding na umano'y panghihipo sa maselang bahagi ng kanyang katawan sa Malate, Maynila, Linggo ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Rolando Delos santos y Salavante, 42, may-asawa, Barangay tanod ng Barangay 733, Malate, Manila at residente ng 1139 Dagonoy Street, Malate, Manila dahil sa reklamo ng isang 12-anyos na estudyanteng babae. Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), dakong alas-2:45 Linggo ng madaling araw nang umuwi sa kanilang bahay ang biktima kasama ang isang 14-anyos na kaibigan mula sa pagtitinda sa Onyx St., Ermita pero nang nakarating na sila sa kanilang bahay, napansin ng kanyang kaibigan na naiwan niya ang kanyang cellphone kaya binalikan nila sa tricycle na kanilang sinakyan. At habang naglalakad ang biktima at kaibigan niya sa Dagonoy Street ay biglang lumitaw mula sa madilim na bahagi ang lasing na suspek, hinarang at pinaghihipo ang dibdib ng bata. Nagpumiglas ang biktima hanggang sa nakawala ito sa kamay ng suspek at agad na nagsumbong sa kanyang Nanay at humingi ng tulong kay barangay Kagawad Ruperto Tollon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Kasong paglabag sa Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 ang kinakaharap ng suspek.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News