Logo
FEATURED

BBM WALA PANG STATE VISIT SCHEDULE

Published Jul 05, 2022 03:33 PM by: NET25 NEWS

BBM WALA PANG STATE VISIT SCHEDULE

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Lunes na wala pang nakatakdang pagbisita sa estado si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. "The President has not announced any state visits as of now," ayon kay Cruz-Angeles. "He is busy building up the Cabinet so we have to wait for an announcement if there is indeed such a thing," dagdag pa niya. Nang tanungin sa posibleng pagbisita ni Marcos sa Washington kasunod ng iniulat na imbitasyon mula kay US President Joe Biden, sinabi ni Cruz-Angeles: "Let's wait for Malacañang to formally acknowledge it and they will probably make the announcement with regards to whether or not it's going to happen." Si Philippine Ambassador to the United States na si Jose Manuel Romualdez ang nagpahayag ng imbitasyon ni Biden kay Marcos na bumisita sa Washington. Aniya, ang liham ng imbitasyon ay iniabot kay Marcos ni Second Gentleman Douglas Emhoff, na dumalo sa inagurasyon ni Marcos noong Hunyo 30.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News