Logo
FEATURED

WALANG DEADLINE SA PAGTATALAGA AT PAGKUMPLETO NG MGA CABINET OFFICIALS —SEC. ANGELES

Published Jul 05, 2022 03:45 PM by: NET25 NEWS [PHOTO COURTESY: BONGBONG MARCOS FB]

WALANG DEADLINE SA PAGTATALAGA AT PAGKUMPLETO NG MGA CABINET OFFICIALS —SEC. ANGELES

SINABI ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz-Angeles na walang itinakdang deadline si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para kompletuhin ang mga uupong miyembro ng kanyang gabinete. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nakapagtatalaga ng kalihim si Pangulong Marcos sa DOH, DENR, Department of Energy, PAGCOR at PCSO. "Wala pong binibigay sa amin na sinasabi nilang deadline. Ang sinasabi is masuri talaga ang pag-evaluate nila dito sa mga kandidato para sa mga posisyon," ani Sec. Angeles. Sinabi rin niya na kapag na-evaluate na aniya lahat ng mga aplikasyon at kandidato ay sigurado aniya na magtatalaga at pupunan na ni Pangulong Marcos ang mga bakanteng posisyon sa kanyang gabinete. "Only that they’ll have to evaluate it very well and fully. The President is quite aware and in fact one of the priorities is managing the effects of this pandemic. So you must also understand that this is so important. They must look very closely and carefully at the candidates," anito sa kanyang press briefing sa New Executive Building (NEB).

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News