Logo
FEATURED

PSG, PINANGALANAN ANG BAGONG COMMANDER

Published Jul 05, 2022 04:47 PM by: NET25 NEWS [PHOTO COURTESY: COL. RAMON P. ZAGALA TWITTER]

PSG, PINANGALANAN ANG BAGONG COMMANDER

NAGSIMULA na sa kanyang bagong posisyon sa Presidential Security Group (PSG) si Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Ramon Zagala. Si Zagala na magsisilbi rin bilang Senior Military Assistant ni Pangulong Marcos ay pinalitan si Brig. Gen. Randolph Cabangbang. "Zagala is a certified VIP Protector as he is a graduate of VIP Protection Course and held various positions in the PSG during his junior years," ayon sa kalatas ng PSG. Si Zagala ay bahagi ng first Light Armor Company ng PSG mula 1997 hanggang 2000, at nagsilbi bilang aide-de-camp ni dating Pangulong Joseph Estrada. Bago itinalaga bilang commander ng PSG, si Zagala ay nagsilbi sa mga sumusunod na units ng Philippine Army gaya ng "company commander, Charlie "Conqueror" Company of the 24th Infantry Battalion, 7th Infantry Division at battalion commander, 28th Infantry (Kamagong) Battalion." "Col. Zagala is a seasoned combat officer with 33 encounters against the enemy that spans all levels from team leader, platoon, company and battalion commander," dagdag pa sa ulat ng PSG. Nagsanay din siya sa Australia at Estados Unidos para sa iba't ibang career at specialization courses.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News