Logo
FEATURED

KASO NG DENGUE TUMAAS NGAYONG TAON KUMPARA NOONG 2021

Published Jul 05, 2022 04:55 PM by: NET25 NEWS

KASO NG DENGUE TUMAAS NGAYONG TAON KUMPARA NOONG 2021

Kumpara sa nakalipas na kaparehong panahon noong 2021, ang kaso ng dengue ngayong taon ay tumaas batay sa inilabas na datos ng Department of Health ngayong Lunes. Ayon sa DOH, mayroong 51,622 dengue cases na iniulat mula January 1 hanggang June 18, 2022. Sa kabuuan, ang mga kaso sa taong ito ay 58% na mas mataas kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021 (32,610). Ang kabuuan ng karamihan sa mga kaso ng dengue ay naiulat mula sa: Region III: 6,641 (13%) Region VII: 6,361 (12%) Region IX: 4,767 (9%) Sa nakalipas na panahon (Mayo 8 hanggang Hunyo 18, 2022) kung saan 13,075 ang naitala, ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng mga kaso: Region III: 1,826 (14%) Region VII: 1,570 (12%) CAR: 1,175 (9%) Ang mga rehiyon ng MIMAROPA, VI, VII, IX, XI, BARMM at CAR ay nagpapakita ng pagtaas ng trend sa kamakailang panahon (Mayo 8 hanggang Hunyo 18, 2022). Labinlima sa 17 Rehiyon (mga Rehiyon II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII, BARMM, CAR, NCR) ang lumampas sa limitasyon ng alerto/epidemya sa nakalipas na apat na linggo (Mayo 8 hanggang Hunyo 18, 2022). Sa buong bansa, mayroong 239 na pagkamatay na iniulat (Case Fatality Rate=0.5%). Ang mga pagkamatay na ito ay naiulat sa: February: 37 March: 34 April: 47 May: 62 June: 19 Para makaiwas at makontrol ang pagtaas ng kaso ng dengue, ang publiko ay pinaalalahanan na patuloy na obserbahan at ugaliin ang mga sumusunod na 4S strategies: - Search and destroy breeding places - Secure self-protection - Seek early consultation, and - Support fogging/spraying in hotspot areas.

Share this article:

Share to Facebook

Share

Copy to clipboard

Copy link

Share to Twitter

Tweet

Latest News